Abante Tonite Interactive

114 Chinese inaresto sa illegal online gambling – NBI

236

Plano ni Senador Joel Villanueva na ituloy ang pagdinig ng kanyang komite ukol sa pagdagsa ng mga iligal na dayuhang manggagawa sa bansa dahil sa impormasyon buhat sa National Bureau of Investigation (NBI) na 95% ng kanilang mga naaaresto ay pawang mga Chinese national.

Base sa datos, sa 167 dayuhang naaresto o nasampahan ng kaso sa korte noong 2018, nasa 159 sa mga ito ay sangkot ang mga ­Chinese national.

Ang limang porsiyentong naaresto naman ay anim na ­Taiwanese national, isang ­Korean at isang Liberian, ayon pa sa ulat ng NBI.

Abante Hiring – IT dep

Nasa 114 Chinese national ang sangkot sa illegal online gambling na labis umanong nakababahala.

“With this new information, we can see how the issue on illegal foreign workers are evolving,” ani Villanueva.