Abante Tonite Interactive

117 bilanggo nabiyayaan ng parole

0 290

Umabot na sa 117 bilang ng preso ang nabigyan ng parole.

Ayon sa Department of Justice, nabatid na sinabi ni Justice Undersecretary Markk Perete na nasa kabuuang 117 persons deprived of liberty o PDL na ang nabiyayaan ng parole kung saan posible ring makakuha ang 424 na ngayon ay clearance na lamang mula sa National Bureau of Investigation ang hinihintay.

Tiniyak naman ni Perete na bago tuluyang makalabas ay kailangan munang sumailalim sa quarantine facility sa kani-kanilang penal firm at colony ang mga nabigyan ng parole.

Inaprubahan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang BPP resolution bunsod na rin sa panawagang palayain ang mga nakatatanda at may sakit na mga preso sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa simplified rules ay nakasaad na kailangang doblehin ng BPP ang caseload nito sa pagre-rebyu at deliberasyon para mapabilis ang pagproseso ng mga aplikasyon.

Tonite – Wendys Inhouse Ad