Abante Tonite Interactive

119 BOC personnel sinampahan ng kaso

287

Inihayag ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Leonardo Guerrero na nasa 119 kawani ng ahensiya ang nahaharap ngayon sa mga kaso para sa iba’t ibang mga reklamo.

Sa kanyang mid-year report, binanggit ni Guerrero na naghain ang BOC ng 120 kasong administra­tibo at 20 mga kasong kriminal laban sa nasabing bilang ng mga aktibong empleyado ng ahensiya.

Sinabi ni Guerrero na mayroon ding 27 na iba pang mga opisyal ng BOC ang binigyan ng show cause order dahil sa umano’y underperformance at katiwalian.

Ang mga tauhan na nahaharap sa mga reklamo ay inilagay sa floating status habang nakabinbin ang imbestigasyon.

Sinabi pa ni Guerrero na ang mga opisyal na nahaharap sa iba’t ibang kaso ay nakatalaga sa Compliance Monitoring Unit.

(Mina Aquino)