Abante Tonite Interactive

11K empleyado ng ABS-CBN bola lang — Bato

698

Ginagamit diumano ng ABS-CBN ang datos na 11,000 ang kanilang empleyado para makakuha ng simpatya sa publiko, ayon kay Senador Ronaldo ‘Bato’ dela Rosa

“Sinabi ko totoo ba ta­laga 11,000, may taga-loob ng nag-text sa ako na 3,000 lang daw ang regular nila. ‘Di ko alam kung totoo ito, dalawa ‘yung nagsasabi sa akin, ‘di naman daw 11,000, baka sinama lang pamilya nila kaya naging 11,000,” sabi ni Dela Rosa sa panayam ng mga reporter.

Bagama’t malaki pa rin umano ang 3,000, matigas pa rin umano ang desisyon ng senador na kakampi ito sa pinakamakabubuti para sa mamamayang Pilipino.

“Granting 11,000, hindi ko sinasabi na hindi ko pinapahalagahan sila, pero ‘pag sa punto na magdesisyon tayo, ‘di puwede na porke na maawa ka na mawalan ng trabaho 11,000 hahayaan mo na lang na nag-violate ng isang station sa batas? Pikit mata ka na lang doon sa dapat gawain ng gobyerno,” sabi ng senador.

Gayunman, humingi ito ng tawad sa mga kompanya dahil sa naging pahayag niya na mas kapa­kanan umano nito ang milyon-milyong Pinoy kesa sa mga empleyado ng network.

Sabi ng senador sa panayam ng CNN, “Pa­sensya na po kung kayo ay nasaktan. Ang tingin ko po ay ang buong kapaka­nan ng buong bansang Pi­lipinas, kasama na po kayo doon.”

Ayon pa sa senador kung mapatutunayan naman umanong walang mali ang network ay siya pa ang magtutulak para sa pag-renew ng prangkisa nito. (Dindo Matining)

Tonite – Wendys Inhouse Ad