Abante Tonite Interactive

11k negosyo ‘di nagbayad ng buwis sa panahon ni Taguig Mayor Cayetano — COA

0 312

Tinuligsa ng Commission on Audit (COA) si dating Taguig Mayo­r Laarni Cayetano sa pagkabigo nitong ayu­sin ang regulasyon sa mga negosyo sa kalunsuran partikular sa kaso ng 11,035 establisi­myento na nag-o-operate nang walang barangay clea­rance.

Ayon sa COA, ang 11,035 negosyo ay hindi kasama sa barangay list of establishments na patunay lamang na hindi nag-isyu ng barangay clearance ang munisipyo na isang labag sa batas.

“Under Section 152 (c) of the Local Government Code, owners of business establishments are required to secure a ‘barangay clearance’ before application for business permits are processed at the city hall. These clearances are deemed ‘essential’ in the grant of permits to ope­rate within the city,” sabi ng COA.

Bilang requirement sa pag-o-audit ng buwis, humingi ng listahan ang COA ng mga ‘business establishment’ na nabigyan ng barangay clearance sa 28 barangay ng lungsod upang maikumpara sa kanilang date base at dito nakita ang malaking discre­pancy kung saan 5,146 negosyo ang hindi nakalista sa city data base at 11,035 na nasa data base ang wala sa barangay list.

Malaki ang posi­bilidad na nag-o-ope­rate ang mga ito nang walang permit at hindi nagbabayad ng tamang buwis sa local government.

Dahil dito, malaki umano ang nawawala sa kita ng gobyerno dahil maraming negosyo ang tumatkas sa pagbabayad ng buwis.

Si dating Taguig Mayor Laarni, ang maybahay ni Cong. Alan Peter Cayetano, na nakatatandang kapatid ng kasalukuyang nakaupong mayor na si Lino Cayetano. (Yves Briones)