Abante Tonite Interactive

12 airport officer pinalitan ng BI

430

Binalasa ng Bureau of Immigration (BI) ang mga opisyal nito na may hawak ng mga pangunahing posisyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at sa dalawang pang pali­paran sa bansa upang paigtingin pa ang operasyon ng ahensiya.

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na apektado sa balasa­han ang 12 senior officer ng ahensya na nakatalaga sa Bureau Control Travel and Enforcement Unit (TCEU) na responsable sa pagsasagawa ng secondary inspection ng mga pasahero na dumarating at umaalis sa iba’t ibang international port.

Kabilang sa mga binalasang ay mga opisyal na nakatalaga sa NAIA ganundin sa mga paliparan sa Mactan at Iloilo.

Abante Hiring – IT dep

Sinabi ni Morente na magpapatupad din ng balasahan sa mga susunod na araw sa kanilang mga opisyal na nakatalaga iba pang paliparan sa bansa.

Ipinahayag naman ni BI Port Operations Division Chief Grifton Medina na layunin ng pagbalasa na maiwasan ang fraternization sa hanay ng mga opisyal na siyang itinuturo na isa sa mga pangunahing dahilan ng korapsyon sa gobyerno.

Sinabi naman ni Ma. Timotea Barizo, itinalagang overall TCEU chief, na kanyang pagtutuunan ang pagsawata sa modus ng pagpapadala ng mga menor de edad na overseas Filipino worker. (Mina Aquino)