Abante Tonite
Mabilis sa Balita

12-anyos dedo sa kuto

0 167

Patay ang isang 12-anyos na babae matapos pestehin ng mga kuto ang ulo nito nang ilang taon.

Base sa ulat, namatay si Kaitlyn Yozviak dahil sa cardiac arrest na dulot ng severe anemia, kung saan tinuturong dahilan ang mga kuto na posibleng tatlong taon nang nagtagal sa ulo nito.

Ayon kay Georgia Bureau of Investigation Special Agent Ryan Hilton, nakita niya ang aniya’y pinakamalalang pamemeste ng kuto kay Kaitlyn, at posible umanong ang pagsipsip ng dugo ng mga ito ay dahilan para bumaba ang blood iron level ng bata.

Dahil dito’y kinasuhan ng murder ang mga magulang ni Kaitlyn na sin Katie Horton at Joey Yozviak.

Kinwento umano ng nanay ng bata na hindi pinaliguan ng lampas isang linggo si Kaitlyn bago ito pumanaw.

Nakita rin ng mga imbestigador ang maruming bahay ng bata, kung saan may mga daga pa umano sa mattress ng pamilya. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.