Abante Tonite Interactive

12-anyos ginahasa ng sekyu

By
1,819

Rehas na bakal ang hinihimas ngayon ng isang security guard matapos siyang kasuhan ng mga magulang ng ginahasang 12-anyos na dalagita sa Quezon City kahapon.

Nakakulong sa Quezon City Police District-Station 6 ang suspek na si Joseph Tomenden, 48-anyos at nakatira sa Area C, Brgy. Batasan Hills ng nasabing lungsod.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, pinagbabantaan ni Tomenden ang 12-anyos na biktima na babarilin ang mga kaanak nito kung hindi papayag na makipagkita sa kanya.

Kaya naman inireklamo ng pamilya ng biktima si Tomenden sa mga awtoridad at agad na pinuntahan ang bahay ng suspek dakong alas-nuwebe ng umaga kahapon.

Sa loob mismo ng bahay ng guwardiya ay naaktuhan pa ng mga pulis habang nilalapastangan nito ang dalagita.

Itinanggi naman ni Tomenden na ginahasa niya ang biktima at iginiit pa na apat na buwan na umano silang magkarelasyon pero inaresto pa rin siya ng mga pulis.