Abante Tonite Interactive

12-anyos ginahasa ng step dad

By
47

Nasa huli na ang pagsisi na humingi ng tawad sa kanyang nagawa ang isang step father matapos nitong gahasain ang 12-anyos na anak ng kanyang kinakasama sa bahay nila sa Lungsod ng Caloocan kahapon ng madaling-araw.

Umaga kahapon nang maaresto ang suspek na si Alberto Tongco ng Barangay 162, Sta. Quiteria ng nasabing lungsod, matapos na ireklamo ng biktima na itinago sa pangalang Shime, grade 6, sa kanilang barangay.

Agad namang naaresto ng mga tauhan ng barangay ang suspek at idiniretso na rin kalaunan sa himpilan ng Caloocan City Police – Station Investigation Division (SID), sa presinto ang tila nahimasmasan na si Tongco sa kanyang nagawa at maluha-luhang hindi makakibo.

Hinala naman ng mga awtoridad na posible umanong nasa kasadsaran ng impluwensiya ng ipinagbabawal na gamot si Tongco nang gawin ang kahayupan sa step daughter nito. Hindi na rin naman umano nanlaban pa ang suspek nang arestuhin ito at nanatiling walang kibo.

Wala rin umanong kamalay-malay ang nanay ng biktima sa nangyayari sa anak. Nabigla na lamang umano siya nang ares­tuhin ang kinakasama.

Sa ngayon ay nakatakdang sumailalim ang biktima sa pagsusuri.