Abante Tonite
Mabilis sa Balita

12-anyos na ampon, ginahasa ng pastor

0 358

KALABOSO ang isang pastor na barangay kagawad din matapos umanong paulit-ulit na gahasain ang 12-anyos na batang babae na kanyang inaalagaan sa Barangay San Blas, Villasis, Pangasinan, ayon sa Villasis Police Station (VPS).

Kinilala ni VPS commander P/Maj. Fernando Fernandez ang suspek na si Pastor Ruben Pagaduan, 57, na isa ring barangay kagawad ng Barangay San Blas sa nasabing bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ni Fernandez sa Abante na ang batang biktima ay alaga umano ng suspek at pinag-aaral.

Sa salaysay ng biktima na si “Karen” (di tunay na pangalan), sinabi ni Fernandez na pauli-ulit siyang ginagahasa sa kanyang kuwarto tuwing sila lang ang natitira sa loob ng bahay.

Sa medico-legal report, positibong ginalaw ang bata dahil sa sugat nito sa kaselanan.

Sa police report, malapit umano si Karen sa suspek dahil kinupkop siya nito at kinuha mula Kalinga, Apari.

Ayon sa pamilya ng biktima, desidido silang sampahan ng kasong rape si Pagaduan.

Itinanggi naman ni Pagaduan ang paratang sa kanya. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.