Abante Tonite Interactive

12-anyos na kapitbahay hinostage ng problemadong mister

0 174

Dahil sa depresyon bunsod ng patong-patong na problema sa buhay ay isang mister ang nang-hostage ng 12-anyos na batang kapitbahay Linggo nang gabi sa Barangay Tampus, Boac, Marinduque.

Halos 2-oras na hinostage ng suspek na si Trovador Mabitad Buban, 38, ang bata na itinago sa pangalang Ryza dakong alas-6:40 nang gabi.

Mabilis naman ang responde ng mga tauhan ng Boac Municipal Police Station (MPS) kung saan nagkaroon ng negosasyon upang pakawalan ng suspek ang biktima na tinutukan nito ng patalim.

Ligtas namang pinakawalan ng suspek ang batang hostage at sumuko din ito nang maayos sa pulisya kasama ang patalim na ginamit sa pangho-hostage.

Sa salaysay ng asawa ng suspek sa Boac MPS, dumadanas ng labis na depression ang kanyang mister dahil sa patong-patong na problema.

Isasailalim naman ng Municipal Social Workers Department sa debriefing ang biktima na posibleng na-trauma sa nangyari. (Edwin Balasa)