Abante Tonite
Mabilis sa Balita

12-anyos pinatay, sinilid sa sako

0 112

Tinutugis na ng pulisya ang suspek sa pagkamatay ng 12-anyos na babae na sinilid sa sako, binaon sa lupa at hinihinalang ginahasa pa sa Rosario, Cavite.

Tinukoy ang biktima na taga-Brgy. Muzon 2, Rosario, Cavite. Kwento ng kanyang ina, huling nakitang buhay ang biktima alas-6:30 Linggo ng gabi, na naligo sa poso malapit sa kanilang bahay kasama ang ilang kaibigan pero natapos magsiligo ay nag-uwian na umano ang mga ito maliban sa biktima.

Hinanap ng mga magulang ang biktima at inanunsiyo rin ito sa social media pero kahapon ng umaga ay natagpuan ang bangkay ng biktima na nakasilid sa sako, lawit ang dila at nakabaon ng bahagya sa lupa. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.