Abante Tonite
Mabilis sa Balita

12 armas binawi sa rebelde

0 95

ISANG rebelde ang arestado habang nasabat ng militar ang iba-ibang uri ng mga armas sa Sitio Bungao, Barangay Macagahay, Moises Padilla, Negros Occidental nitong nagdaang Huwebes.

Nakuha ng 62nd Infantry Battalion ang aabot sa 12 mga armas ng CPP-NPA.

Napunta sa lugar ang militar nang mag-report sa kanila ang mga residente na may mga rebelde sa lugar na nagsasagawa ng extortion.

Nabatid na habang nag-iikot ay namataan nila ang isang lalaki na nahulog ang bitbit na .38 na revolver nang makita ang militar.

Agad siyang tinugis ng mga sundalo hanggang sa mahuli ito ay matukoy na nagngangalang Joselito Ebarle.

Nakuha sa hideout ni Ebarle ang dalawang M16 rifle, 8 cal.38 na revolver, 2 homade shotgun, isang magazine ng M14 at live ammunitions.

Nakakuha din ang militar ng backpack na naglalaman ng mga dokumento at plano ng grupo.

Sinabi naman ni Major General Eric Vinoya, ang Commander ng 3rd Infantry (Spearhead)

Division ng Philippine Army, na ang mga nakuhang armas sa CPP-NPA Terrorist ay patunay na na-gooperate pa sila sa Negros bagamat mahina na. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.