Abante Tonite
Mabilis sa Balita

12 DOH worker sapol ng COVID

0 68

Nagpositibo sa COVID-19 nang 12 empleyado ng Department of Health Western Visayas Center for Health Development (DOH-CHD6).

“Initially, we have three and on the initial result of the first phase of the contact tracing another nine turned positive,” sabi ni Dr. Mary Jane Juanico, head ng infectious disease cluster ng DOH-CHD6.

Paliwanag ni Juanico, hindi pa tukoy kung paano nahawa ang mga nasabing empleyado dahil kababalik lang ng mga ito sa trabaho matapos ang mga holiday. Lahat naman umano ng nagpositibong empleyado ay may mild na sintomas. Isa ang nasa ospital habang 2 ang nasa quarantine facility, habang ang iba ay naka-home quarantine. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.