Abante Tonite
Mabilis sa Balita

12 doktor kalaboso sa walwalan

0 215

Labindalawang doktor mula sa mga pribadong ospital ang dinakip matapos mag-inuman sa isang establisyimento sa Barangay Banilad, Cebu City.

Kabilang sila sa 166 quarantine violator na nalambat sa isinagawang “Oplan Bulabog” kahapon, Jan. 15.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ulat sinabi ni Police Lt. Col. Wilbert Parilla, deputy city director for operations ng Cebu City Police Office, na sa kabila na Authorized Personnel Outside Residences ang mga doktor ay lumabag pa rin sila sa mga quarantine protocol dahil sa pag-iinuman sa labas.

Nahaharap sa multa ang mga hinuli at pansamantalang ikinulong sa Barangay Tejero Detention Center. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.