Abante Tonite Interactive

12 estudyante nadenggoy sa OLFU campus

By
1,775

Kalaboso ang isang lalaki na nagpanggap na ahente ng mga beauty salon at dental clinic sa kilalang mall matapos siyang ipakulong ng 12 estudyante na kanyang ginoyo sa loob ng isang unibersidad sa ­Valenzuela City kamakalawa ng hapon.

Sa panayam kay SPO4 Armando Delima, deputy chief ng Station Investigation Unit (SIU), kinilala ang naaresto na si Ruel Carlo del Rosario Fiansa, 31-anyos, ng Block 2, Lot 4, Arty 4, Barangay Karuhatan ng nasabing lungsod.

Bago nadakip ang suspek, nagpunta ito noong Mayo 24, 2018, dakong ala-1:30 ng hapon sa Our Lady of Fatima University (OLFU) sa MacArthur Highway, Barangay Marulas, Valenzuela City.

Inalok nito ang mga estudyanteng sina Mariel Sandig, 21; Jay Ann S. Eman, 22; Danica Lacson Gravo, 21; Maria Edraly Balani, 20; Joseph Ven Pinto, 19; Vicente Arroyo Jr., 28 at Carizza Paola Diaz ng leaflets na nagsasaad ng malaking discount sa Ulat Dental Clinic, Hair Mystic Salon at La Freciosa Skin and Body Center na nasa isang branch ng mall sa Brgy. Karuhatan, Valenzuela City.

Ayon kina SPO1 Ro­nald Tayag at SPO3 Ale­xander Manalo, siningil ni Fiansa ang mga biktima ng P500 kada isa kaya nakalikom ito ng P6,000 mula sa 12 estudyante.

Pero napagod lang ang mga biktima sa pag-iikot dahil wala naman ang mga sinabing establishment.

Noong Miyerkoles, muling nakita ng mga estudyante ang suspek sa loob ng campus kaya’t pinahuli agad nila ito.