Abante Tonite
Mabilis sa Balita

12 frat member sinipa

0 232

Isang fraternity sa University of the Philippines Visayas ang nagtanggal sa 12 nilang miyembro dahil sa sexual harassment.

Ito’y matapos mabunyag ang “indecent conversation” ng mga naturang fraternity member sa isang group chat.

“The investigatory committee and resident members stand with their previous statement denouncing misogyny, homophobia, and sexual violence,” pahayag ng UPV Scintilla Jvris.

Kinilala ang mga nasipang frat member na sina Emmanuel James Celis, Kneron Mark Dulay, Darrel Israel, John Adrian Mandario, Ivan Dolf Nena, Nigel Patricio, Danniel San Antonio, Robert Cenmael Solas, Joshua Karl Toribio, Enrico Rafael Valencia, Robert John Vidal, at Luigi Zerrudo.

Makikita sa kumalat na private group chat online ang malaswang pag-uusap ng 12 fratmen tungkol sa mga kababaihan kabilang ang kanilang mga ex-girlfriend, counterpart sorority member at mga miyembro ng LGBT community.

Nagpapalitan din sila ng mga hubad na larawan at malalaswang video.

(IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.