Abante Tonite
Mabilis sa Balita

12 Himig music video inilunsad

0 56

Inilabas na ng ABS-CBN Music ang opisyal na Himig 11th Edition music videos na hatid ang mensahe ng 12 song finalists sa iba’t ibang kwento ng buhay, pag-ibig, paghihirap, at pag-asa.

Panoorin ang mga sumusunod na #Himig11thEdition music videos sa YouTube channel ng Star Music:

1. “ANG HIRAP MAGING MAHIRAP” – https://youtu.be/p5AC3K64OyE

Ipinakita ni Davey Langit ang kwento ng “Ang Hirap Maging Mahirap” mula sa komposisyon ni Kenneth Reodica. Si Jude Matanguihan ang nagdirek ng music video na tampok rin ang rapper na si Kritiko, na tulad ni Davey ay nagbigay ng makatotohanang kwento ng buhay sa gitna ng kahirapan.

2. “BULALAKAW” – https://youtu.be/YI3c8bOQ46Q

Mapapanood sina Janine Berdin at composer na si Joanna Ang na nakasuot ng putting gowns sa “Bulalakaw” music video na dinirek nina Edriel Garcia at Yani Bautista. Tampok sa video ang nakakabilib na harmony sa kanilang pag-awit ng Visayan pop song at paghahatid ng pag-asa sa mga manonood.

3. “IBANG PLANETA” – https://youtu.be/3P8V6rtFG1o

Si Shaira Luna ang nagdirek ng music video ng “Ibang Planeta” ni Zild mula sa komposisyon ni Dan Tanedo. Tampok dito ang pagbabalik sa 80s sa kwento ng isang taong nagmamahal na feeling nasa ibang dimension siya habang in love.

4. “IKA’Y BABALIK PA BA” – https://youtu.be/n9Y6UprW4FQ

May isa na namang makabagbag-damdaming awitin si Juris sa komposisyon in Jabez Orara na “Ika’y Babalik Pa Ba” at mapapanood sa music video nito mula sa director na si Frank Mamaril ang pagkasabik sa dating minamahal. Tampok din sa music video sina Iana Bernardez at Ilya Nikeshin.

5. “KAHIT KUNWARI MAN LANG” – https://youtu.be/1Iy4JmoncoY

Pasilip ang “Kahit Kunwari Man Lang” video sa nakakapukaw na performance nina Moira dela Torre at pop-rock band na Agsunta. Hatid nito ang kwento ng isang unlabeled relationship mula sa kantang isinulat ni David Mercado. Si Miko Pelino naman ang nagdirek ng MV kung saan mapapanood rin ang cast members na sina Ara Dabao at Eian Rances.

6. “KAHIT NA MASUNGIT” – https://youtu.be/l4rg7aRsdp0

Swak ang “Kahit Na Masungit” MV sa komposisyon nina John Francis at Jayson Franz Pasicolan na inawit naman nina Jeremy G at Kyle Echarri. Tampok sa video na idinirek ni Cristhian Escolano sina Jeremy at Kyle bilang manliligaw sa supladang dalaga (Reign Parani). May bonus ding dance moves ang dalawang heartthrobs na bagay sa chill na awitin.

7. “KULANG ANG MUNDO” – https://youtu.be/WZQqVHUz4Po

Tila nanghaharana si Sam Mangubat sa pag-awit niya ng power ballad ni Daryl Cielo na “Kulang Ang Mundo” habang mapapanood sa music video ang kwentong pag-ibig na hatid nina Kiara Takahashi at Argel Saycon o KiarGel. Si Jefferson Hao ang nagdirek ng video kung saan tampok rin bilang aktor si Kid Yambao.

8. “MARUPOK” – https://youtu.be/BtDVqfHYKkw

Higit na nararamdaman ang funky at empowering na awiting “Marupok” ni Dana Balagtas sa bonggang performance ni KZ Tandingan sa music video na idinirek ni Gelo Yellow. Hatid nito ang warning sa isang minamahal na gawing malinaw ang pakay niya.

9. “OUT” – https://youtu.be/Pmry6cOsrd0

Binigyang buhay ng dating “Idol Philippines’’ contestant na si FANA ang awiting “Out” ni Erica Sabalboro, na may lirikong English, Tagalog, at Bicolano. Makikita sa video mula sa direksyon in Edrex Sanchez ang damdamin, apila, at pag-claim sa survival na swak sa mensahe ng kanta.

10. “PAHINA” – https://youtu.be/zgmYSrE1w4g

Kwento ng Kiss ‘N Tell ang pag-ibig na tuluyan nang naglaho sa “Pahina” MV na pinagbibidahan nina Gigi Delana at Mark Rivera mula sa awiting isinulat nina Joshua Ortiz at Aniceto Cabahug III. Tampok sa video ang unconditional love na hango sa isang storybook mula sa visual storytelling na ginawa ng director na si Jem Cadeliña.

11. “TABI-TABI PO” – https://youtu.be/FsjlrOElwo8

May iba’t ibang feels ang mararamdaman sa “Tabi-Tabi Po” music video na mula sa director na si Jasper Salimbangon hango sa komposisyon ni Mariah Moriones. Mapapanood dito si JMKO na nagnanais suyuin ang dalagang pumukaw sa damdamin, pati na rin ang iba pang cast na sina Inka Magnaye, Rain Matienzo, at Ady Cotico.

12. “TINADHANA SA’YO” – https://youtu.be/0CsztxYOWCw

Muling nagpapaiyak si Zephanie bilang isang dalagang umaasa na makamit ang inaasam na pag-ibig sa music video ng “Tinadhana Sa’Yo,” na base sa komposisyon ni SJ Gandia. Si Amiel Kirby Balagtas and director ng video na pinagbibidahan din ni Aaron Gonzalez.

Isa sa 12 Himig entries na ito ang tatanghaling MYX Choice for Best Music Video, at 30% ng criteria sa judging ay base sa bilang ng music video views sa Star Music’s YouTube channel.

Pakinggan na ang #Himig11thEdition songs na available sa iba’t ibang digital streaming platforms worldwide.

Leave A Reply

Your email address will not be published.