Abante Tonite
Mabilis sa Balita

12 magkapamilya timbog sa 4M shabu

0 60

Nasa 12 magkakamag-anak ang naaresto habang tinatayang P4.08 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Dasmariñas City, Cavite na nauwi sa hot pursuit operation sa Silang, Sabado ng hapon.

Kinilala ang mga naaresto na sina Minor Andrada Hamid alyas ‘Abdul’, 26 ng Brgy. 4, Calamba, Laguna; Naif Dida-agun; Justine Dida-agun; Nas Murun; Nel Ampuan; Jiovane Acraman; Jobainah Acraman; Sittienor Acramam; Nayla Hadgi; Johan Acraman; Sohaima Murun at Anowar Magtortor Magdara, pawang magkakamag-anak at nasa wastong edad.

Sa ulat, dakong alas-5:30 kamaka­lawa ng hapon nang magsagawa ng buy-bust ang mga operatiba ng Special Operations Unit-4A, PNP DEG, at PDEA PRO-4A sa Brgy. Paliparan 1, Dasmariñas kung saan nagkaroon ng transaksiyon sa pagitan ni Hamid at poseur buyer.

SM food to go Banner Ad

Nakatunog umano ang suspek da­hilan upang tumakas sakay ng isa sa tatlong sasakyan na lulan ang iba pang suspek. Dito na nagkaroon ng hot pursuit operation.

Tinangka ng mga suspek na magtago sa isa pang kamag-anak sa Silang, Cavite subalit naabutan sila sa kahabaan ng Ko­hana Grove, Brgy. Sabutan na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto.

Narekober mula sa mga suspek ang tinatayang 600 gramo ng hinihinalang shabu, isang itim na Toyota Fortune, pula na Ford Ranger Raptor, silver na Honda Civic, 9 mga cellphone, P150,000 boodle money na nagsilbing buy-bust money at iba’t ibang ID ng mga suspek. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.