Abante Tonite Interactive

12 negosyo sa Parañaque na pasaway sa SSS, siningil

260

Labindalawang establisimyento sa Parañaque City ang pinaskilan ng show cause order dahil sa hindi umano pagbabayad ng mga ito ng kontribus­yon sa Social Security System (SSS).

Kabilang sa mga kinabitan ng show cause order ay isang carwash at auto detai­ling shop, isang milk tea house, limang restaurant at dalawang salon na matatagpuan sa BF Homes, Parañaque matapos itong suyurin ng SSS kahapon.

Nadiskubreng hindi umano nagbaba­yad ng SSS contribution ang mga nabanggit na establisimyento kaya pinaskilan sila ng show cause order at inoobliga na bayaran ang kontribusyon ng kanilang mga empleyado sa SSS.

Sa kanilang kautusan, binigyan ng pagkakataon ng SSS ang mga employer na tumugon sa Mandatory Social Security Act of 2018 at humarap para magpaliwanag sa tanggapan ng ahensya.

Ayon sa batas, ang sinumang hindi tutugon sa kanilang utos ay mahaharap sa kasong kriminal at pagkakulong ng hanggang 12 taon kasama ang kaukulang multa.

Ginawa ng SSS ang hakbang bilang babala sa mga emplo­yer na hindi nagbaba­yad ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado. (Armida Rico)