Abante Tonite
Mabilis sa Balita

12 nilambat sa illegal quarrying

0 96

Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 12 kataong sangkot sa illegal quarrying kamakailan sa Mabalacat, Pampanga.

Nabatid na ang mga suspek na hindi pinangalanan ng NBI-Environmental Crime Division (NBI-EnCD) at DENR-MGB3 ay naaresto noong Nob.19, 2020 habang aktong ini-extract ang mga lahar materials.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Wala umanong maipakitang permit ang mga suspek sa isinasagawa nilang quarrying kaya binitbit sila ng NBI.

Ini-inquest ngayon sa Department of Justice ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 103 (theft of minerals) at Section 110 (other violations) ng R.A. 7942. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.