Abante Tonite
Mabilis sa Balita

12 palaboy, sinagip

0 228

Nasa 12 palaboy ang sinagip ng mga awtoridad kamakalawa ng gabi sa Ermita, Maynila.

Itinurn-over ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa kustodya ng Manila Social Welfare and Development (MWSD) ang mga palaboy na kinabibilangan ng walong lalaki at apat na babae.

Ayon MPD-Ermita Police Station 5, alas-9:30 ng gabi nang magsagawa ng rescue operation mula Kalaw Avenue hanggang sa Mabini St., sa Ermita ang mga tauhan ng J. Bocobo Police Community Precinct (PCP).

Nakita ang mga bata na pakalat-kalat sa lansangan kaya dinala sa Alvarez covered court spara maiturn-over sa MSWD.

Isinagawa ang rescue operation alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte at Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso hinggil sa pandemya. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.