Abante Tonite
Mabilis sa Balita

12 paslit nalason sa pa-juice ni Mayor

0 108

Hindi bababa sa 12 bata ang isinugod sa pagamutan matapos umanong malason sa ininom na juice na ipinamigay ng lokal na pamunuang bayan ng Taytay, Rizal nitong Huwebes.

Sa ulat, ipinamigay ng Taytay Local Government Unit (LGU) ang juice na produkto ng PTC Foodsphere Asia Corporation at may gawa ng Golden coolers juice drink. Ilang oras pagkalaklak

ng mga ito’y nakaramdam sila ng pagkahilo, pananakit ng tiyan at pagsusuka.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang juice ay isang taon nang expired, base sa packaging date nito.

Base naman sa Facebook page ng Taytay Public Information Office (PIO), iniimbestigahan na ng pamunuang bayan sa pangunguna ni Taytay Mayor Joric Gacula ang insidente.

Paliwanag ng alkalde, nakipag deal lang sila sa respetadong supplier ng nasabing kumpanya na

accredited ng Food and Drug Administration.

Inorder umano nila ito direkta sa manufacturer para sa scheduled distribution nitong Pebrero 25.

Hindi umano palalagpasin ng alkalde ang ganitong mga pangyayari at plano umano nitong magsampa ng kaso laban sa supplier ng nasabing juice drink.

Sa inilabas namang statement ng PTC Foodsphere Asia Corporation, inabsuwelto nila ang Taytay LGU at humihingi sila ng paumanhin sa nangyari, handang harapin at sagutin ang anumang danyos.

“The management of the company regrets the incidents and convenience to the government of Taytay, Rizal likewise to the people affected in this incident.

The company is presently conducting full investigation with the processes that took place during the production until to distribution.

We aknowledge that the municipal government bought the product in good faith and that no liability can be attributed to it as a result of the incident.

We guarantee the public that we are seriously looking into this matters we value the life and health of our consumers,” paliwanag ng kompanya. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.