Abante Tonite
Mabilis sa Balita

12 Pinoy seaman, kasambahay nawawala sa Lebanon

0 456

Umabot na sa 12 ang bilang ng mga Pinoy na iniulat na nawawala matapos ang pagsabog sa Beirut, Lebanon.

Sa isang online briefing, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Sarah Arriola na 11 sa mga ito ay mga seaman habang kasambahay naman ang isa pa.

Kinumpirma rin ng DFA na dalawang Pinoy ang nasawi sa pagsabog habang walo na ang naitalang sugatan sa insidente.

“The additional 2 injured currently recuperating at the Embassy chancery after receiving treatment from the hospital are part of the group of 13 filipino seafarers whose ship was docked 400 meters away from the blast zone,” ayon kay Arriola.

Nakikipag-ugnayan na aniya sila sa mga ospital sa Beirut para malaman kung kasama ang mga ito sa mga nasugatan sa insidente.

Dagdag ng opisyal, umaasa rin sila sa mga impormasyong ibinibigay sa kanila ng Filipino community sa Beirut na nakakakilala sa mga nawawalang Pinoy.

Sa pinakahuling ulat, 78 katao ang nasawi samantalang halos 4,000 naman ang nasugatan sa nasabing insidente.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad sa Lebanon ang naganap na pagsabog na base sa mga inisyal na ulat ay sanhi ng mga highly explosive material na nakaimbak sa isang bodega. (Mia B. Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.