Abante Tonite
Mabilis sa Balita

12 probinsya sa Luzon signal no. 2 kay `Pepito’

0 142

Lumakas pa ang bagyong Pepito bago ang inaasahan nitong landfall sa lalawigan ng Aurora.

Sa pinakahuling weather bulletin ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa pagitan ng alas-6:00 ng gabi hanggang alas-10:00 ng gabi ng Martes ang pagtama sa lupa ng bagyo.

Itinaas ng Pagasa ang storm signal no 2 na umiiral na ngayon sa Aurora, La Union,Pangasinan, Ifugao, Benguet, Nueva Vizcaya, Quirino, Nueva Ecija, Tarlac, Isabela, Ilocos Sur at Zambales.

Nasa ilalim naman ng Signal No 1 ang Abra, Kalinga, Mountain Province, Bulacan, Pampanga, Bataan, Metro Manila at Rizal.

Asahan umano na magiging maulan ang malaking bahagi ng Luzon kaya pinaghahanda ang mga residente laban sa landslide at pagbaha. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.