Abante Tonite
Mabilis sa Balita

12 pulis, 4 PDEA swak sa McDo ratratan

0 68

Sinampahan ng kasong kriminal ng National Bureau of In­vestigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) ang 12 miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) at apat na ahente ng Philippine Drug Enforcement Agen­cy (PDEA) kaugnay sa naganap na misencoun­ter sa labas ng isang Mc­Donald’s branch sa Que­zon City noong Pebrero 24, 2021.

Kabilang sa kinasu­han sina PDEA-Special Enforcement Service (SES) agents Khee Mari­car Pornobi Rodas, Jelou Juanitez Santiniaman, Jeffrey Panhon Baguidu­dol at Romeo Asuncion.

Habang sina QCPD-District Special Operat­ing Unit (DSOU) mem­bers P/Cpl. Alvin Borja, P/Lt. Ronnie Ereno, P/Cpl. Marlon Masiclat, P/Cpl. Ronilo Prepose, P/Cpl. Jason Coranez, P/Cpl. Aries Curit, P/Cpl. Marco Tapanan, P/Cpl. James Dasalla, P/Maj. Sandie Caparroso, P/Cpl. Raul Christian Gan­deza, P/Lt. Honey Besas, at P/Cpl. Christopher Alvarez naman sa hanay ng mga pulis.

Inirekomenda ng NBI ang prosekusyon nina Rodas, Santiniaman, at Baguidudol ng PDEA sa kaaong homicide dahil sa pagkamatay ni P/Cpl. Eric Elvin Garado. Inakusahan din si Baguidudol na nag­palsipika ng opisyal na dokumento.

Habang si PDEA agent Asuncion at policeman Borja ay inirekomenda na kasuhan dahil sa pagka­matay ng pulis na si Lauro De Guzman at PDEA agent Rankin Gano.

Pinangalanan naman ng NBI na “John/Jane Doe” ang pumaslang sa impormante na nakilalang si ‘Untong’.

Samantala, inireko­menda naman ang pag­sasampa ng kasong at­tempted homicide kay Santiniaman dahil sa pagkasugat kay Ereno.

Gayundin ang pagsa­sampa ng attempted ho­micide sa walong pulis na sina Ereno, Borja, Ma­siclat, Propose, Coranez, Curit, Tapanan, at Dasal­la dahil sa pagkakasugat nina PDEA agents Martin Matthew Soriano at Ba­guidudol.

Habang ang mga pu­lis na sina Caparroso, Gandeza, at Besas ay kinasuhan naman ng di­rect assault with physical injuries, direct assault with less serious physical injuries, at direct assault.

Sina Caparroso, Gan­deza, at Besas ay kina­suhan din ng robbery at pakikipagsabwatan.

Sina Alvarez, Besas, Ereno at Caparroso ay kinasuhan ng consenting to evasion.

Nalaman na anim na buwang nagsagawa ng imbestigasyon ang NBI sa kaso matapos silang atasan ni Pangulong Ro­drigo Duterte.

Matapos ang misen­counter, kaagad pinaimbestigahan ni DOJ Secre­tary Menardo Guevarra ang insidente sa NBI at kapwa rin nagsagawa ng sariling imbestigasyon ang Philippine National Police (PNP) at PDEA pero nakialam si Duterte at inatasan ang NBI na solong mag-imbestiga sa kaso. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.