Abante Tonite
Mabilis sa Balita

12 senador gigibain mga troll farm

0 37

Palaban sa mga troll farm ang 12 mambabatas sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Nais ng 12 senador na ipasiyasat ang ulat na pondo ng gobyerno ang ginagamit sa operasyon ng mga troll farm na nagkakalat ng fake news at iba pang maling impormasyon sa social media katulad ng Facebook at Twitter.

Nilagdaan nina Senate President Vicente `Tito’ Sotto III, Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Minority Leader Franklin Drilon, Senators Nancy Binay, Leila de Lima, Richard Gordon, Risa Hontiveros, Panfilo `Ping’ Lacson, Manny Pacquiao, Francis Pangilinan, Grace Poe at Joel Villanueva ang Senate Resolution 768 para imbestigahan ang diumano’y state-backed at state-funded na mga nagpapakalat ng fake news na nakakaapekto sa milyong-milyong Pilipino.

“Filipinos should know why government spends public funds on troll farm operators disguised as ‘public relations practitioners’ and ‘social media consultants’ who sow fake news rather than on Covid-19 assistance, health care, food security, jobs protection, education, among others,” sabi sa resolusyon.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay Pangilinan, isa sa mga mambabatas na madalas ma-target ng mga troll, ang pagpapakalat ng maling balita at impormasyon ay nakakasira sa bansa sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

Nauna nang ibinunyag ni Lacson, na isang government undersecretary ang nag-oorganisa ng mga troll farm sa buong bansa para targetin ang mga kalaban sa politika ng administrasyon.

“Pagsisinungaling ang trolling. Masama ito lalo na dahil sa darating na halalan. Kung mahalal ang bagong presidente at ibang opisyal dahil sa pekeng impormasyon, magkakaroon tayo ng pekeng presidente at opisyal,” ani Pangilinan. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.