Abante Tonite
Mabilis sa Balita

12 tauhan ng barangay nag-Christmas party, sinibak

0 75

Sinipa sa kanilang trabaho ang 12 empleyado ng Barangay Batasan Hills sa Quezon City matapos labagin ang ipinatutupad na ‘health protocols’ nang magdaos ng Christmas party.

Sa pinadalang liham ni Barangay Chairman Jojo Abad kay Mayor Joy Belmonte, ang mga sinibak sa trabaho ay sina Leticia Samar, Michelle Saragcon, Ma. Elena Olesco, Nora Elizaga, Meann Ubang, Rowena Almonicar, Jocelyn Leonero, Ritchie Ancero, Manilyn Mejia, Gemma Relata, Marizen Misolas at Alejandro Cabello.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“This termination of appointment is issued against the above-mentioned names from the Office of the Chairman due to disrespect of office protocols and insubordination,” base sa liham ni Abad.

Kasabay nito, inutusan ng kapitan ang mga sinibak na staff na i-turn over ang lahat ng barangay properties gaya ng uniform, frontliner ID at barangay radio.

Pinuri naman ni Belmonte si Abad sa mablis nitong aksyon sa mahigpit na pagpapatutupad ng protocols, matapos na i-post sa social media ng isang nakilalang Misolas na umanoy imbitado sa party. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.