Abante Tonite
Mabilis sa Balita

12 tiklo sa online tupada

0 269

Nasamsam ang P90,000 halaga ng pusta sa 12 kalalakihang inaresto sa Cavite City dahil sa pagsasagawa ng tupada online.

SM food to go Banner Ad

Kasong paglabag sa iligal na pagsusugal ang kinakaharap ng mga naarestong sabungero. Sa ulat ni PSSgt Armangel Genuino ng Cavite City Police, alas-5:30 kamakalawa ng hapon nang nakatanggap ito ng ulat mula sa concerned citizen hinggil sa online sabong ang isinasagawa sa Reyes St., Brgy. 2, Dalahican.

Agad na rumesponde ang mga awtoridad at naabutan ang 12 katao na nagkumpol-kupol sa isang lugar habang pinapanood ang isinasagawang sabong sa television screen habang isang bet taker ang nagmamando sa mga pumupusta at dalawa ang nagsilbing operator at namamahala sa pagbabayad sa pusta. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.