Abante Tonite Interactive

120 ang magsasalpukan sa WPC ngayon — Ang, Ramos

1,272

Makalipas ang ma­tagumpay na pagsisimula kahapon, magpapatuloy ngayon ang astigang paluan ng mga pinakamahuhusay na manok-panabong sa Newport Performing Arts Theatre, Resorts World Manila sa 2nd eliminations sa pagitan ng 120 bagong kalahok sa 2018 World Pitmasters Cup (Fiesta Editon) 9-Cock International Derby.

Naitakda simula Abril 28-Mayo 5, ang pandaigdigang siyapolan ay handog nila Charlie ‘Atong’ Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, RJ Mea & Gov. Eddiebong Plaza, sa pakikpagtulungan nina Eric dela Rosa at Ka Lando Luzong & Eric dela Rosa, sa pagtataguyod ng gold sponsor na sponsor Thunderbird Platinum – sa paluan ‘di mauunahan; at suporta din ng Excellence, VNJ, LDI, Thor and Experto.

Ikalawang 2-cock eliminations ngayong Abril 29 (Group B), samantalang ang 3-cock semis ay sa Abril 30 (Group A) & Mayo 1 (Group B).