Abante Tonite Interactive

120-athlete, coach pambato ni Ramirez sa Arafura Games

255

Matapos ang walong taong pahinga, muling idaraos dinarayong Arafura Games kung saan inaasahan na dadalo ang mahigit 15,000 atleta para makipagkumpitensiya sa ika-11 edisyon ng multi-sportsfest sa Darwin, Australia sa Abril 26-Mayo 5.

Papadala ang Pilipinas, sa pamamagitan ng Philippine Sports Commission, ng isang lean and mean na delegasyong bubuuin ng 120 atleta at coaches para lumahok sa 10-araw na paligsahan.

Sinabi nitong Linggo ni PSC-Philippine Sports Institute National Training Director Marc Edward Velasco at siya ring Deputy Chef de Mission, na lalahok ang bansa sa 10 sa 17 sports, kabilang na ang Para Athletics.

“PSC Chairman William Ramirez’s instruction was to send a strong team, to select the best among our players in the developmental level,” giit ni Velasco.

Karamihan sa sasabak para sa ‘Pinas ay mula sa Mindanao, kung saan pinakamarami sa Davao City na may 70. Ang iba pang local government units na may nakasamang atleta ay ang Bacolod, Cagayan de Oro, Davao del Norte, General Santos at Palawan.

Mga nagwagi nagwagi sa Philippine National Games, Batang Pinoy at Palarong Pambansa. Huling ginanap ang 10th AG noong 2011. (Lito Oredo)