Abante Tonite
Mabilis sa Balita

120 bahay naabo sa Davao

0 63

AABOT sa 120 na bahay ang natupok sa Davao, Miyerkules ng gabi.

Sa report, nangyari ito sa bahagi ng Barangay Matina Aplaya, alas-diyes ng gabi.

Mabilis kumalat ang apoy sa mga bahay dahil karamihan ay gawa sa light materials.

Umabot pa ito sa ikatlong alarma kung saan nasa tatlong oras ang naging pagkilos ng mga bumero bago tuluyang naapula ang apoy.

Dakong alas-dos ng madaling-araw ng Huwebes nang ng ideklara itong fire out.

Sa ngayon ay nakasilong sa Shanghai Gym Evacuation ang mga nasunugan.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nasa P2.4 milyon ang danyos ng sunog.

Ayon sa hepe ng Ecoland Police Station ng Davao City na si Maj. Rosario Aguilar, wala namang naiulat na namatay o nawawala matapos ang trahedya.

Patuloy pang inaalam kung ano ang naging sanhi ng sunog at saang bahay ito nag-umpisa. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.