Abante Tonite
Mabilis sa Balita

120 bahay naabo sa QC

0 33

Isang lalaki ang sugatan habang may 120 kabahayan ang natupok sa nangyaring sunog sa isang residential area sa Quezon City, Lunes ng hapon.

Ang biktima ay nakilalang si Mario Padual, na nagtamo ng mga paso sa kanyang kanang balikat at nasa maayos nang kalagayan.

Batay sa ulat ng Quezon City Bureau of Fire Protection (BFP), pasado ala-1:00, kahapon ng hapon, nagsimula ang sunog sa dalawang palapag na residential informal settler na pagmamay-ari ng isang Salome Imbat, 60-anyos, at matatagpuan sa G. Araneta, Brgy. Manresa.

SM food to go Banner Ad

Itinaas ng BFP ang sunog sa unang alarma pagsapit ng ala-1:12 ng hapon, naideklarang under control pagsapit ng alas-2:02 ng hapon, at tuluyang naapula alas-2:30 ng hapon.

Tinupok ng apoy ang aabot sa 120 kabahayan na pawang gawa sa light materials, at nasa 330 katao ang tinatayang apektado nito. Nasa P150,000 naman ang tantyang halaga ng mga ari-ariang napinsala. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.