Abante Tonite Interactive

120 Chinese nagka-dengue

288

Dinapuan ng sakit na dengue ang tinatayang 120 Chinese wor­kers na nagtatrabaho sa isang coal plant sa Mariveles, Bataan.

Ito ang kinumpirma ni Dr. Rosanna Buccahan, hepe ng Bataan Provincial Health Office.

“120 ang cases ng mga Chinese nationals na nagkaroon ng dengue simula po ng January hanggang August 15, 2019,” ayon kay Buccahan.

Ayon pasa opisyal, buwan pa lang ng Mayo ay nakatanggap na sila ng report na may 96 Chinese workers ang nagka-dengue na agad din naman aniya nilang inaksyuhan.

“Nagkaroon kami ng 3 cycles ng fogging operation sa area. At the same time, tinuturuan natin sila kung paano maglinis ng kanilang accommodation. Pati ‘yung kanilang mga CR… kung paano sila magkaroon ng better hygiene para hindi sila kagatin ng lamok,” sabi ni Buccahan.

Pero matapos ang dalawang buwan, naulit umano ito at nagkaroon ng 24 bagong kaso ng dengue sa hanay ng mga Chinese worker.

Ang mga Chinese national ay pawang nagtatrabaho sa GN Powe­r pero wala naman aniyang mga Pilipinong manggagawa doon na naitalang nagka-dengue.

“Mape-prevent naman po ito, panatilihin lang ang kalinisan ng kapaligiran at pangangatawan,” paalala pa nito.