Abante Tonite Interactive

120 saksak sa hubo’t hubad na ginang, suspek binulungan daw ng demonyo?

457

Ga­yunman, pagsapit niya sa kompanyang pinag­lilingkuran ng ka-partner, nagulat siya nang sabihin sa kanya ng kasamahan sa trabaho na hindi pumasok si Florinda kaya’t ­nag-alala siya na baka may sakit ang asawa.

Bago umuwi ay dumaan siya sa bahay ng biyenan upang sunduin ang kanilang anak at doon niya nalaman na may masamang nangyari sa kanyang asawa kaya’t kaagad siyang nagtatakbo patungo sa kanilang tirahan at doon niya nakita ang bangkay ng kanyang kinakasama na tadtad ng saksak ang buong katawan.

Kasama ang kanyang biyenang si Benjamin, nagtungo sila sa barangay upang humingi ng ­tulong hanggang sa dumating na ang mga kagawad ng ­Caloocan Police Community Precinct (PCP) 2 sa pa­ngunguna ni P/Capt. Herson Manegdeg na ­na­nguna sa pag-kordon sa lugar upang hindi magalaw ang ebidensiya at siya ring nagpabatid kay Caloocan ­Police Chief P/Col. Noel Flores hinggil sa naganap na krimen.

­Sumugod din sa lugar ang asawa ni Benjamin na si ­Rosalinda at panganay na anak na si ­Belinda upang alamin ang mga pangyayari habang dumating din naman kaagad ang mga imbestigador ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) sa pangunguna ni P/Cpl. Alvaro Juan at mga tauhan ng Scene of the Crime Operation (SOCO) na magpo-proseso sa lugar na pinangya­rihan ng krimen.

Nakuha ng mga tauhan ng SOCO sa lugar na pinangyarihan ng krimen ang puluhan ng ­nabaling patalim na ginamit sa pananaksak sa ­biktima habang ang talim na may bahid pa ng dugo ay nakita rin sa isang sulok ng bahay.
Natagpuan din pulisya ang gunting na may ­bahid din ng dugo na ginamit din sa pananaksak kay Florinda habang wala namang palatandaan na pagnanakaw ang motibo sa krimen lalu na’t wala namang anumang personal na gamit ang biktima na nawala sa loob ng bahay.

Sa ginawang pagpo-proseso ng mga ­tauhan ng SOCO sa bangkay ni Florinda, umabot sa 120 ang bilang ng mga tinamo niyang saksak sa buong katawan mula sa likod, dibdib, tiyan, ­braso, kamay, tagiliran hita at binti.