Abante Tonite Interactive

120 saksak sa hubo’t hubad na ginang, suspek binulungan daw ng demonyo?

601

May hinala ang mga imbestigador na panghahalay ang motibo ng salarin sa pagpasok sa loob ng bahay nina Flo­rinda lalu na’t wala anumang saplot na suot sa katawan ang biktima nang matuklasan ang kanyang bangkay.

Gumawa naman ng hakbang ang mga imbestigador upang makahanap ng ­posibleng mga testigo sa krimen na makapagbibigay ng impormasyon sa pagkakakilanlan sa sa­larin na may kagagawan sa krimen.

Ilang mga kapitbahay ng biktima ang nagpahayag na pasado alas-nuwebe nang umaga ng Oktubre 7, 2019 nang marinig nila ang kakaibang ingay na nagmumula sa loob ng bahay nina Florinda at nari­nig pa nila ang pagmamakaawa ng ginang na gawin na ang lahat sa kanya huwag lamang ­siyang patayin dahil may maliit pa siyang anak.

Wala naman naglakas ng loob na tumulong sa pagmamakaawa ng biktima at makaraan ang ilang sandali, tumahimik na ang ingay sa sa loob ng bahay nina Florinda suba­lit wala isa mang nakapansin nang lumabas ng bahay ang salarin.

Hindi naman kaagad sumuko ang mga imbestigador sa pag­hahanap ng testigo sa nangyaring krimen makaraang lumutang si Michelle Gregorio, ang 31-taong gulang na kapitbahay ng biktima na may sari-sari store sa lugar.

Sa kanyang sinumpaang pahayag, sinabi ni Michelle na nagduda siya sa ­kanilang kapitbahay na ­kilala niya sa panga­lang Jay-Ar Malano nang bumili ng band aid sa kanilang tindahan dakong alas-10 nang umaga upang takpan ang sugat sa kanyang mga kamay.

Dugtong niya, halatang ­balisang-balisa ang kilos ni Jay-Ar at nagmamadali ito sa kanyang paglalakad makaraang bumili ng band aid na pantakip sa sugat niya sa kanang kamay.