Abante Tonite Interactive

120 saksak sa hubo’t hubad na ginang,suspek binulungan daw ng demonyo?

234

Madali namang nakahanap ng mauupahang maliit na tirahan sina Abel at Florinda sa hindi naman kalayuang lugar sa 107 Laon-Laan Street, Barangay 31, sa lungsod din ng Caloocan.

Nakabuti naman ang pagbukod ng tirahan nina Abel at Florinda dahil mu­ling nanumbalik ang maayos na pagtitinginan nina Mang Benjamin at ng itinuturing na manugang lalu na’t naiiwan sa pangangalaga ng kanyang mga lolo at lola si Alexa Rose kapag pumapasok na sa kani-kanilang trabaho ang dalawa.

Naging ugali na rin ni Mang Benjamin na sunduin ang apo sa umaga upang makapaghanda sa pagpasok si Florinda na naiiwang mag-isa dahil nauunang pumasok sa kanyang trabaho bilang security guard si Abel.

Bago pumasok, dadaan naman si Florinda sa bahay ng mga magulang upang magpaalam sa anak at kung minsan ay sa bahay na ng magulang na rin kumakain ng almusal kapag hindi kaagad siya nakapagluto. Pag-uwi naman nina Abel at Florinda mula sa trabaho ay susunduin naman nila ang anak sa bahay ng lolo at lola nito at kasabay na nilang uuwi ang bata sa inuupahang tirahan.

Noong umaga ng Oktubre 7, 2019, araw ng Lunes, tulad ng kinagawian, ay sinundo ni Mang Benjamin ang apo sa inuupahang bahay ng anak at kinakasama upang makapaghanda sa pagpasok si Florinda.

Noong araw ding yun, nagtaka si Mang Benjamin kung bakit hindi dumaan sa kanila si Florinda bago pumasok tulad ng kinagawian ng anak bagama’t hindi na niya pinansin sa pag-aakalang dumiretso na ang anak sa kanyang trabaho.