Abante Tonite Interactive

120 saksak sa hubo’t hubad na ginang,suspek binulungan daw ng demonyo?

211

Nang mapunta naman sa sala ni Caloocan City Regional Trial Court (RTC) Judge Rosalia Hipolito-Bunagan ng Branch 22 matapos mai-raffle ang usapin, kaagad na naglabas ng commitment order o ng kautusan ang hukom upang mailipat si Jay-Ar sa Caloocan City Jail.

Habang nasa city jail, pumayag si Jay-Ar na makapanayam ng TUGIS sa kondisyon na walang video at hindi siya kukuhanan ng lara­wan batay na rin sa pahintulot ni Supt. William Manengyao, ang warden ng naturang pasilidad.

Sa panayam ng TUGIS kay Jay-Ar, inamin niya ang pagpatay subalit mariin niyang itinanggi ang bintang na hinalay niya ang biktima at kumpiyansa aniya siya na lalabas sa resulta ng autopsiya sa bangkay na walang panghahalay na naganap.

Nagawa lamang aniya niyang pasukin ang bahay ng biktima dahil sa sobrang galit matapos na umano’y kagalitan sila ng kanyang mga kaibigan at akusahan ng pag-iingay habang nag-iinuman sa harap ng bahay ng kanyang mga magulang na malapit lamang sa bahay nina Florinda.

Nagdilim na rin aniya ang kanyang paningin lalo na nang may marinig siyang muli na may bumubulong sa kanyan na tuluyan na ang ginang. Hindi na rin aniya niya alam kung ilang ulit niyang pinagsasaksak si Florinda na naging dahilan upang masu­gatan din ang kanyang kanang kamay.