Abante Tonite Interactive

1,200 bagong trabaho pasalubong ni Duterte sa Israel, Jordan trip

By
484

Masayang ibinida ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging bunga ng kanyang halos isang linggong state visit sa bansang Israel at Jordan.

Sa kanyang pagda­ting sa bansa noong Sabado nang umaga, sinabi ng Pangulo na tinatayang nasa $140 million ang naiuwi nilang bagong pamumuhunan na inaasahang makapagbibigay ng dagdag na trabaho sa mga Pinoy.

“Investments genera­ted are valued at 140 million US dollars and expected to generate over 1,200 new jobs. This we believe is only the beginning,” anang Pangulo.

Lalong tumibay aniya ang relasyon ng Pilipinas at Israel sa kanyang naging pagbisita at nagkasundong magtulungan para maharap ang problema sa tero­rismo at extremism.

Sinabi ng Pangulo na tiniyak nitong protektado ang karapatan ng mga Pilipinong manggagawang nagtatrabaho sa dalawang bansa.

“As I have repeatedly said, your government will continue to do its part to ensure that the rights of our nationals working abroad are protected, enhanced and upheld,” dagdag pa ng Pangulo.

Bukod sa pagpapaigting sa relasyong bila­teral sa dalawang bansa, may mga kasunduang nilagdaan para naman sa pakinabang ng dalawang bansa.

Todo-puri rin ng Pa­ngulo kay King Abdullah II ng Jordan na aniya ay totoong tao at mapagpakumbaba sa kabila ng pagiging hari nito.

Tinupad ng hari ang pangako na magbibigay ng dalawang attack helicopters para madagdagan ang kagamitan ng Hukbong Sandatahan.