Abante Tonite Interactive

12,000 bakanteng trabaho sa PhilJobNet

3,257

Ang opisyal na internet-based job and applicant matching system ng Department of Labor and Employment (DOLE), ang PhilJobNet ay nakapagtala ng 11,794 bakanteng trabaho na karamihan sa mga ito ay nasa business process outsourcing (BPO), sales, pagkain, at mga sektor ng kalusugan.

Ang nasabing mga trabaho ay kumakatawan sa mga na­ngungunang 20 mga bakanteng posisyon sa PhilJobNet.

Hinikayat ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang publiko na gamitin ang mga serbisyo ng PhilJobNet sa mabilis na pagsubaybay sa paghahanap ng trabaho at paghahanap ng employer sa trabaho.

Sa isang ulat, sinabi ng Bureau of Local Employment (BLE) na kabilang sa mga nangungunang bakanteng mga posisyon ay ang call center agent-3,592; retail associate-1,039; salesman-724; service crew-724; retail salesman-655; customer service assistant-619; cashier-515; staff nurse-486; sales clerk-388 at car dri­ver-370.

Kabilang sa mga nakatalang trabaho sa website sa buwan ng Mayo ay ang mga sumusunod:
May 15 – Manuel P. Santiago Park, Plaza Burgos, Guagua, Pampanga (Central Luzon); PESO Davao, Marapangi, Davao City (Davao Region);

May 16 – 2nd Floor, Vista Mall, Roman Hiway, Cupang Proper, City of Balanga, Bataan (Central Luzon); Bulwagang Teodulfo Domingo, University of St. Louis, Tuguegarao City, Cagayan (Cagayan Valley); Burgos Community Center, Burgos, Isabela (Cagayan Valley);