Abante Tonite Interactive

120K UP test kit gagamitin na – DOST

467

Ilalabas na sa merkado pagpasok ng buwan ng Abril ang mahigit 120,000 COVID-19 testing kit na ginawa ng mga scientist ng University of the Philippines (UP).

Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato dela Peña, ang COVID-19 test kit na na-develop ng mga UP scientist ay anim na beses na mas mura kumpara sa mga ibinebenta ng kanilang foreign counterpart.

Nabatid na ang naturang testing kit ay ginagawa na ng Manila HealthTek Inc.

“From April 4 (Saturday) to 25, there will be a field implementation for the 26,000 testing kits funded under the DOST and the University of the Philippines-National Institutes of Health (UP-NIH) Project,” ayon kay Dela Peña.

Nabatid na ang mga test kit ng UP ay mabibili lamang sa halagang P1,300 kumpara sa mga foreign test kit na nagkakahalaga ng P8,000.

Habang ang nalalabing 94,000 test kit ay ibebenta ng Manila HealthTek dahil may sapat nang order mula sa pribadong sektor na gustong mag-donate sa Department of Health (DOH) at sa mga ospital.

Ayon kay Dela

Ayon pa kay Dela Peña, kanila nang ipinagbigay-alam sa Food and Drug Administration (FDA) na ang mga requirement para sa Certificate of Product Registration (CPR) ng UP test kit ay isusumite na sa Miyerkoles, Abril 1

Inaasahan naman na mag-iisyu ang FDA ng sertipikasyon sa Abril 3.(Juliet de Loza-Cudia)

Tonite – Wendys Inhouse Ad