Abante Tonite Interactive

1,232 tripulanteng Pinoy pauwi na

478

Mahigit sa 1, 232 tripulanteng Pinoy mula sa malalaking cruise ship sa buong mundo ang darating sa bansa lulan ng sarili nilang barko.

Sa halip na mga chartered plane ang gamitin sa pag-repatriate ng kanilang mga na- stranded na crew dahil sa COVID -19, tatlong Royal Caribbean ships na naka- anchorage sa Australia ang nakatakdang dumaong at ihatid ang mga Filipino, Indonesian Chinese at Indian crew sa kanilang mga bansa.

Ayon kay Manny Geslani, migration and recruitment consultant, ang mga Royal Caribbean ship ay magre-restocked ng mga healthy crew bago ito lumayag sa mga distinasyon sa ibat-ibang puerto sa Asia.

Ang tatlong Cruise ship na kinabibilangan ng Spectrum of the Seas na may lulang 577 Filipino crew ay nakatakdang dumating sa Manila sa April 22, 2020 habang ang Celebrity Solstice at Voyager of the Seas na may lulang 382 ay nakatakdang dumating sa Manila sa April 19, 2020 .

Ang lahat na pasahero at crew member ng cruise ship ay naka-quarantine sa Australia maliban sa technical at catering crew. (Otto Osorio)

Tonite – Wendys Inhouse Ad