Abante Tonite
Mabilis sa Balita

126 PSG ni Duterte sapol ng COVID

0 292

Inihayag ng Presidential Security Group (PSG) nitong Miyerkoles na nagkaroon ng mga COVID-19 positive sa kanilang hanay.

Ayon kay PSG chief Brig. Gen. Jesus Durante III, mula sa 126 na COVID positive ay nasa 45 na lamang ang bilang ng mga nagpapagaling ngayon sa kanilang mga tauhan.

Kaagad namang tiniyak ni Durante na ligtas si Pangulong Rodrigo Duterte dahil walang direct contact sa kanya ang mga PSG personnel na tinamaan ng virus.

“Our PSG personnel who got infected are not directly or closely detailed with the President and are all asymptomatic without experiencing any adverse symptom. Hence, rest assured that the President is safe and in good health,” ani Durante.

Hindi aniya maiwasang ma-expose ang mga tauhan ng PSG sa panganib sa COVID-19 dahil bukod sa Pangulo ay binabantayan din nila ang PSG compound at ang buong Malacañang complex 24/7 kung saan may mga sibilyang residente.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi ni Durante na naka-quarantine na ang mga nagpositibong PSG personnel at lahat ng health at safety protocol ay ipinatutupad sa lahat ng kanilang mga tauhan kasama na ang pamilya ng mga ito.

Nauna rito ay inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kinansela ang nakatakda sanang `Talk to the People’ ni Pangulong Duterte nitong Miyerkoles, Abril 7.

Nilinaw ni Roque na ikinonsidera ang kaligtasan ng Pangulo at ng mga staff ng Malacañang kaya kinansela ang lingguhang aktibidad.

Binigyang-diin ng kalihim na maraming staff ang kailangan sa preparasyon para sa `Talk to the People’ at isinaalang-alang din ang kaligtasan ng mga ito sa bagsik ng virus.(Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.