Abante Tonite Interactive

Ano magandang ilaban, Pogi na manok o Pangit na manok?

Ano magandang ilaban, Pogi na manok o Pangit na manok?

By
0 149

Magandang sabong mga klasmeyt, kamusta ang laban niyo nakaraan? Sana nagpanalo kayo.

May nagtanong sa akin kung ano ba ang magandang ilaban, Magandang manok o Pangit na Manok?
Sa tanong na yan inabot kami ng halos isang oras dahil ipinaliwanag ko yung aking opinyon.

Sa totoo lang may alam sa pagmamanok ang kausap ko, marahil ay gusto lang niya makarinig ng ibang sagot.

Para sa akin basta pumapalo, umaangat, maganda katawan at nakahanda kahit anong klaseng manok ay ‘yun ang ilalaban ko.

Sa iba siguro ‘pag dehadista mas gusto nila pangit na manok para makasahod at malaki ang mapapanalunan.

Pero kung breeder ka, mas gusto nila pang commercial ang manok nila para madaling ibenta kaya halos lahat ng mga sweater ang ginagamit.

Ang masasabi ko lang kahit alinman sa Pogi o Pangit ay puwede mong ilaban depende sa taste mo.

Magandang pag-usapan ito ng harapan kaya kung gusto niyo ng kuwentuhan tungkol dito ay PM niyo na lang po ako sa Facebook account ko, dito kasi baka tamarin na kayo magbasa kapag sobrang haba ng paliwanag.

***
Congratulations sa kaibigan kong breeder na si Engineer Jonathan Manzano dahil tutungo sa Davao City sa susunod na buwan ang kanyang anak na si Servando Manzano II para sumabak sa Palarong Pambansa.

Nakaraan kasi nag qualify siya sa Region I Athletic Association,(R1AA) 2019 taekwondo tournament sa Vigan City.
***
Baka gusto niyo magpahiyang, magtrabisya sa malayong lugar, may 3-Cock Invitational Derby ngayong araw sa Batac Cockpit Arena, sa Batac, Ilocos Norte.