Abante Tonite
Mabilis sa Balita

128 pamilya sa Davao dinale ng diarrhea

0 44

IDINEKLARA ang diarrhea outbreak sa Santo Tomas, Davao del Norte kasunod ng naitalang pagtatae ng nasa 171 katao o katumbas ng 128 pamilya.

Sinabi ni Mayor Ernesto Evangelista, na nitong Biyernes ay nakaranas ang mga taga-Barangay Tulalian ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagtatae.

Dalawa na ang namatay at 47 ang nanatili sa ospital.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi naman ni Santo Tomas Municipal Information Officer Mart Sambalud na nagpadala na sila ng mga tauhan mula sa Municipal Health Office (MHO) para bigyan ng gamot ang mga pasyente.

Hinihinala ng mga residente na nagmula ito sa kontaminadong tubig.

Agad namang nagsagawa ng household chlorination ang LGU at pinaigting ang community information and education campaigns. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.