Abante Tonite
Mabilis sa Balita

12K gadget nilaan ng San Juan sa estudyante, guro

0 88

Nakatakdang ipamahagi ng San Juan City government ang nilaang 11,000 tablet at 1,500 laptop para sa mga guro at mag-aaral bilang paghahanda sa online learning ngayong pasukan.

Ayon kay Mayor Francis Zamora, katuwang ng lokal na pamahalaan ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na magbibigay ng gadget na magagamit ng mga guro at estudyante ngayong blended online learning.

Una nang nagbigay ng libreng WiFi ang DICT sa 21 barangay hall sa San Juan City na hinirang bilang pilot, gayundin sa ilang health center, public school, police station, at pampublikong parke. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.