Abante Tonite
Mabilis sa Balita

12M Pinoy na purdoy epekto ng lockdown

0 287

Kinalulungkot umano ng Malacañang ang resulta ng isang survey na nagsasabing 48 porsyento ng pamilyang Pilipino, o tinatayang 12 milyon ang kinokonsidera ang kanilang sarili na mahirap.

Ayon pa sa survey ng Social Weather Stations na ginawa nitong Nobyembre 21 hanggang 25, tanong 16 na porsyento ng mga pamilyang Pilipino ang hindi iniisip na sila’y mahirap.

SM food to go Banner Ad

“Nakakalungkot talaga ‘yan. ‘Yan ay epekto ng pagpatuloy na lockdown natin at quarantine dahil nga sa pandemiya,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. Siniguro pa nito na kapag mayroon nang handang bakuna laban sa COVID-19, magbabalik na sa normal ang pamumuhay.

“Ang Christmas gift na mabibigay natin sa lahat ay ‘yung pag-asa na matatapos na nga ang pandemiyang ito dahil nandyan na ang bakuna,” dagdag nito. “Ginagawa natin ang lahat para maibigay ang bakuna sa mga Pilipino kahit ano pang halaga niyan at dahil alam natin na ito lang po ang tunay sa solusyon sa pandemiyang ito. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.