Abante Tonite Interactive

12th place sa SWS survey nasungkit ni Bam

525

Si re-electionist Sen. Bam Aquino ang natatanging miyembro ng oposisyon na nakapasok sa Magic 12 ng Social Weather Stations (SWS) survey, isang buwan bago ang May 13 midterm elections.

Nakuha ni Bam ang ika-12 puwesto sa SWS survey na isinagawa noong Marso 28-31.

Sa kabuuang 1,371 respondents, 29 percent ang nagdesisyon na iboboto nila si Bam.

“Nagpapasalamat tayo sa ating mga kababayan sa patuloy na tiwala.
Inspirasyon po natin ang mga supporters at volunteers na nagtutulungan at gumagawa ng paraan para makatulong sa kampanya at labanan ang fake news na ibi­nabato sa akin,” wika ni Sen. Bam.

“Lalo tayong sumi­sigla kapag nakikita natin na sila na mismo ang nagbabahay-bahay para sabihin ang katotohanan,”dagdag pa niya.

Sa pamamagitan ng tulong ng mga suppor­ter at volunteer, naniniwala si Sen. Bam na aangat pa siya sa mga susunod na survey.

Kung papalaring manalo ng ikala­wang termino, nangako si Sen. Bam na isulong ang pagsasabatas ng Trabaho Center Bill upang masigurong magkakaroon ng trabaho ang mga nagsipagtapos ng K-12 at mga college student.