Abante Tonite
Mabilis sa Balita

13-anyos ginahasa, tsinugi ng rider

0 112

Hindi na nakabalik pa ng buhay sa kanilang tahanan ang menor de edad na babae na dumalo sa birthday party, nang pagsamantalahan at patayin ng rider na kapitbahay na nag-alok na ihatid na ito sa kanilang bahay sa bayan ng Banisilan nitong Linggo.

Sa report ng Banisilan PNP, Linggo ng madaling-araw nang matagpuan ang bangkay ng biktima na nakilala lang sa pangalang Myra, 13-anyos. Nakitaan ito ng malalim na sugat sa ulo at nakadapa sa sagingan sa nasabing lugar.
Agad namang nadakip ang suspek na kinilalang alyas Reniel cute boy, kapitbahay ng biktima sa Barangay Puting Bato Banisilan Cotabato.

Sa imbestigasyon, bago ang insidente ay dumalo sa birthday party sa Barangay Daraganan ang biktima kasama ang kanyang ate at pinsan.

Nang pauwi na ang tatlo, huminto sa harapan nila ang nakamotor na suspek at inalok ang mga ito na sumakay pero kanila itong tinanggihan.

Dahil sa kapitbahay at kakilala naman ng biktima ang suspek ay umangkas na rin ito sa motorsiklo subalit hindi na nakauwi ng buhay.

Hinala ng mga awtoridad, nanlaban ang biktima nang gahasain ng suspek kaya ito pinalo sa ulo na siyang ikinasawi ng biktima. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.