Abante Tonite
Mabilis sa Balita

13-anyos minolestiya ng kapitbahay

0 44

Himas rehas ngayon ang isang binata na inaresto matapos na gahasain diumano ang 13-anyos na dalagitang kapitbahay sa Quezon City nitong Biyernes ng gabi.

Hindi na pinangalanan ang 23-anyos na suspek para maitago ang pagkakakilanlan ng menor de edad na biktima.

Ayon sa report ng Batasan Police Station 6 na pinamumunuan ni Lt. Col. Abraham Abayari, inaresto ng kanyang mga tauhan ang suspek bandang alas-8:30 ng gabi dahil sa reklamo ng nakatatandang kapatid ng biktima.

Nadiskubre ang ginawa ng suspek matapos na magsumbong umano ang dalagita sa nakatatandang kapatid na niyaya siya ng suspek upang magkuwentuhan sila sa bahay nito.

Inihahanda na ang kasong rape laban sa suspek.

Pinalala naman ni Quezon City Police District director Brig. Gen. Remus Medina sa mga magulang o guardian ng kabataan na laging subaybayan ang mga ito upang masigurong ligtas sa anumang klase ng pang-aabuso. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.